Presyon Lyrics

[Verse 1] Kamusta na? Kay tagal ko nang nag-oobserba Gabi-gabing nagtataka, ba't ba gano'n-gano'n na lang sila? Tinanong ko sa kaniya, ang sabi niya "'Di ko alam pero magbabayad sila" Oh, pasensya na matindi'ng dinanas niya Pinulupot ang lubid sa leeg ng kaniyang kaluluwa't Sinabit sa puno ng pamantayan nila Habang pasan ang bigat ng bawat panghuhusga, dama mo ba? Oh, sige, 'eto na, umpisa pa lang meron na 'kong babala 'Di ko kasalanan ang sunod na kaganapan, kayo rin naman ang nagpunla Tuhod ay binali ko, nagbalat kayo sa kabila ng mga pasan [?] Nang sa gayon walang dumanak na dugo Galing sa inosente na pikit-bulag kuno Kasinungalingan, mga paratang na wala namang kabuluhan Galing sa boses na walang paninindigan Kahit pa ituring [?], pipilitin paghaluin ang balat sa mga tinalupan, pwes Ito na ang oras ng paniningil, 'di na muling pasisiil Mapipigilan kung katotohanan ang aking [?] [Pre-Chorus] Mata sa mata (Mata sa mata) Pangil sa pangil Pinsalang ginawa Ngayon ay harapin [Chorus] Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Handa ka na ba sa mga bunga ng 'yong aksyon? Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Wala ka nang magagawa pa [Verse 2] Lumipas ang araw, nanatili sa'king kahon Ilang taong nakagapos, naghihintay sa panahong Ako ay makalaya sa sariling pagkakakulong 'Di ko kailangan ng tulong kasi mas kailangan niyo 'yon Pinili kong manahimik kahit ang kaluluwa'y gutom Nilayo ang sarili dahil nga alam na alam kong Wala akong ideya sa kung hanggang saan ang kaniyang tugon Ngayong basag na ang katahimikan, damhin mo ang presyon Malugod akong ginamit, kasunod may panlalait Hugot-saksak sakaling pumagitan pa ang langit Magagalit pa [?] kahihiyaan at ng pasakit Alulod ko'y pinuno niyo ng galit Ang tugon, 'lang katapusan panunumbalik Ah, malala, ang lagay niyo ngayon nakawala Na 'ko sa'king tanikala pati saklolo balewala Wawasakin ko ang tinayo niyo na gawa sa mga hinanakit ko Balahibo, tatayo sa gagawin ko, ito ang [?], [?] isang pinagkalulong [Pre-Chorus] Mata sa mata Pangil sa pangil (Yeah) Pinsalang ginawa (Iyong ginawa) Ngayon ay harapin (Harapin)

[embed]https://www.youtube.com/watch?v=bsw59ufwIEQ[/embed]  

[Chorus] Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Handa ka na ba sa mga bunga ng 'yong aksyon? Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Wala ka nang magagawa, walang konsiderasyon Ramdam na ba ang presyon? (Ramdam na ba?) Ramdam na ba ang presyon? (Ramdam na ba?) Tignan mo man ang may gawa, ito ang 'yong leksyon Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Wala ka nang magagawa pa

Artist - PABLO (SB19)

Release Date on Sep. 13, 2024

Album - ALON