Foolish Lyrics

Paalam Lang Ang Palagi Lyrics – Arthur Nery

Paalam Lang Ang Palagi Lyrics

[Verse 1]
Namamalayan mo bang sa’yo lang aking paningin?
Nangungusap na lumingon sana
Habang wala pang nakakaalam (Ah-ah)
Aking diwata, oh, parusa na nga na ‘di kita nakakausap

[Pre-Chorus]
Sabi na nga ba’t pareho lang, wala nang bago
Nagpapaikot lang din ako hanggang lumabo
Ang paningin ko sa’yo’y kumakapit pa lalo (Woah-oh)
Habang buhay na sana kung ‘di ka napagod

[Chorus]
Paalam, ang palagi mong sinasabi
Ta’s babalik ‘pag walang
Nahanap na tulad ng sa’tin
Paalam lang ang palagi

[Verse 2]
Sa dalubtalaanan, sa’ng sansinukob ba matatagpuan?
Ang mundo na sinasabi mo
Ako lang ang hindi kasali
‘La nang araw sa buwan

[Pre-Chorus]
Sinabi na nga ba’t pareho lang, wala nang bago
Habang buhay na sana kung ‘di ka napagod
[Chorus]
Paalam, ang palagi mong sinasabi
Ta’s babalik ‘pag walang
Nahanap na tulad ng sa’tin
Paalam lang ang palagi
Ang hinaharap na hinahanap nating dal’wa
Ay ang kasalukuyan, ang kasalukuyan

[Instrumental Break]

[Outro]
Tama ka nga pero tama na muna
Magpapaulila na lang
Tama ka nga pero tama na muna
Ang dami ng dahilan, oh-oh
Tama ka nga pero tama na muna

Balang araw na lang
Tama ka nga pero tama na muna
Balang araw na lang

ALSO READ  The One That Got Away (Acoustic) Lyrics - Katy Perry

Artist – Arthur Nery

Release Date on Sep. 28, 2024

Album – II: The Second