La Luna Lyrics

Kumunoy Lyrics – PABLO (SB19)

Kumunoy Lyrics

[Intro]
Sa daming iniisip ay hindi maipaliwanag ang bigat ng aking nadarama
At sa aking paglaban para bang lalo akong unti-unting hinihila pababa
Animo’y isang bomba, puso kong nangangamba at ano mang oras ay puputok na
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba, kaya pa ba-ba-ba-ba? (Yeah)

[Verse 1]
Pagod na sa paglakad ang aking mga paa
‘Di ko naman alam kung sa’n papunta
Ako’y nawawala na, gusto ko nang mawala na
Ng lahat ng ito’y matapos na
Ginawa ko naman ang lahat pero ‘di pa rin sapat
Ako’y hirap na hirap nang huminga
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba
Ano pa ba-ba-ba-ba?

[Pre-Chorus]
‘Di ko maintindihan, tinik sa’king lalamunan
Pa’no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, ‘di na kaya ng puso
Nagdidilim na’ng paligid ko
Wala ‘kong magawa, nahulog na sa isang

[Chorus]
Kumunoy, ito’ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
‘Di pa ‘ko nakakita pero ‘lam kong ito’y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
‘Di ko na alam kung pa’no ko pa nga itutuloy
‘Di pa ‘ko nakakita pero ‘lam kong ito’y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
[Verse 2]
‘Di na bago sa’kin ang pakiramdam ng nasa baba
Mabigat ang dala dahil ang puso’y bato na
At habang buhay kong papasanin
Kahit ga’no pa kalalim buntong-hinga, patuloy kong ibubuga
Buga, buga, sige, subok kong ubra
Kahit may boses pa na magsabing “‘La kang kwenta”
Alam kong may pag-asa, liwanag ma’y wala pa
Paulit-ulit man ang pasakit, akong gagawa ng himala
Patuloy akong lalangoy sa dagat ko ng luha
Gano’n-gano’n lang, ano ba’ng inaakala niyo?
Kahit na yurak-yurakan pa’ng pangalan ko
‘Di na mababasag aking pagkatao
Matagal ko na ring iniisip ‘to
Sabihin niyo nga sa’kin kung ano’ng mali ang ginawa ko
Sawang-sawa na ‘to, kayo na’ng panalo
Lubayan niyo na ‘ko, lubayan niyo na ‘ko (Lubayan niyo na ‘ko)

ALSO READ  Polly Lyrics - Nirvana

[Pre-Chorus]
‘Di ko maintindihan, tinik sa’king lalamunan
Pa’no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, ‘di na kaya ng puso (‘Di na kaya)
Nagdidilim na’ng paligid ko
Wala ‘kong magawa, nahulog na sa isang

[Chorus]
Kumunoy, ito’ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
‘Di pa ‘ko nakakita pero ‘lam kong ito’y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
‘Di ko na alam kung pa’no ko pa nga itutuloy
‘Di pa ‘ko nakakita pero ‘lam kong ito’y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
[Bridge]
Oh-ooh-woah, kinakailangan ko ng tulong mo, oh
Pasensya na’t nakalimutan ko
Na lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
Pamilya, kaibigan na nagmamahal, nagsisilbing
Ilaw sa tuwing magulo kong mundo’y nagdidilim
Salamat, oh, aking Ama, ako’y makakaahon rin (Oh)

[Chorus]
Kumunoy, tuluyan nang mawawala ang kumunoy (Mawawala na, mawawala na)
Kita na’ng liwanag, magpatuloy lang sa paglangoy
‘Di pa ‘ko nakakita at alam kong ito’y kumunoy (‘Di ko na kailangan pang makita)
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Muli’t muling magliliyab at init ng aking apoy
‘Di ko man alam dala ng bukas, ang sagot ko, “hoy” (Hoy)
‘La akong pake kung ito’y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

ALSO READ  All of My Problems Always Involve Me Lyrics - $uicideboy$

[Outro]
Salamat, oh, aking Ama
Patuloy ang paglaban sa
Aking isipan
Napupupuno na ng kadiliman, ah-ah, ah

Artist – PABLO (SB19)

Release Date on Sep. 13, 2024

Album – ALON