Ikako Lyrics – SB19


[Verse 1: Ken]
Paggising sa umaga’y tinig mo ang paboritong himig
’Di naman siguro ‘to isang panaginip
Pinagdarasal parati, kaligtasan mo’t mapawi
Ang lungkot sa ’yong mata, ‘di na luluha pang muli

[Refrain: Justin]
Panahon ma’y nagdidilim, liwanag ay sisikat din
Sabay nating haharapin, mmm-mmm
Takot sa puso’y alisin, lahat ng ‘to’y lilipas din
Walang pagsubok na ‘di kakayanin

[Pre-Chorus: Stell]
Ibig ko lang ipahiwatig
Na basta may pag-ibig
Sa puso nati’y magwawagi, yeah

[Chorus: All]
Oh, sigurado, babangon tayo
Kaya’ng lahat, ikaw at ako
’Wag kang susuko, magkasama tayo
Hanggang sa dulo, ikaw at ako

[Post-Chorus: All]
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, whoa, oh
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, whoa, oh

[Verse 2: Pablo, Josh]
Ang dami-dami na natin pinagdaanan no’n
Bawat marka ay tanda na higit na mas matatag
Na tayo ngayon, tindi ng alon kahapon
Tsk, wala ’yon, babangon tayo, padayon
At sino’ng nagsabi buhay magiging madali?
Sisingilin ka niyan araw-araw
Bayaran mo paunti-unti, sulitin ang bawat sandali
Isipin mong mabuti kung pa’no mo gagamitin ang sukli

[Pre-Chorus: Stell]
Ibig ko lang ipahiwatig
Na basta may pag-ibig
Sa puso nati’y magwawagi, yeah

[Chorus: All, (Pablo)]
Oh, sigurado, babangon tayo
Kaya’ng lahat, ikaw at ako
‘Wag kang susuko, magkasama tayo
Hanggang sa dulo, ikaw at ako (Ikaw, yeah)

[Bridge: Pablo]
Ang nais kong makasama hangga’t narito sa lupa
Kung maaari lang sana, ‘wag ka nang mawawala
Ako ay lagi mong kasangga sa lahat ng ‘yong problema
Yeah, ‘di ka nag-iisa

[Chorus: All]
Oh, sigurado, babangon tayo
Kaya’ng lahat, ikaw at ako
‘Wag kang susuko, magkasama tayo
Hanggang sa dulo, ikaw at ako

ALSO READ  Pretending That You’re Dead Lyrics - Sam Fender

[Post-Chorus: All]
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, whoa, oh
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, whoa, oh

[Outro: All]
Wala na ang pangamba
Basta’t ika’y kasama
Wala na ang pangamba
Yah, yah, yah, yah, yah, yah

Album – Pagsibol (July 2021)
Produced by John Paulo Nase & Thyro Alfaro
Written by John Paulo Nase
Song Released (May 2021)